410 - Tagapagmana

Tagapagmana, bakit nahihimbing?
Pinagpalang bahay ay tanawin;
Baluti'y isuot at magtumulin
Baka tahanan mo'y di sapitin.

Mga bansa'y gulo't nag-aaway,
Bakla, takot, at nanlulupaypay
Dinggin ang ugong at di m agkamayaw
Kaya't magdagling mana'y agapan.

Huwag mag-abala sa lupang alay
Pagka't iya'y pawang pumapanaw;
Ang kaharian ang nasaing kamtan
At ang layaw dito ay talikdan.

Ulo'y itaas, sa langit tumingin,
Masdan ang maluwalhating ningning
Ng liwanag ng Haring dumarating
Tagapagmana, 'yong salubungin.

0:00 0:00